Sa bawat araw na nakakasama ka 'Di makapaniwala sa aking nakikita Ika'y pinagmasdan habang tayo'y magkasandal Lahat ay para bang nakahinto, hindi ko mapinta ang aking mukha Sa paglipas ng oras, 'di makakatakas Kung ano'ng mangyayari, bahala'ng bukas sa 'tin Kung ako ang kasama, 'wag nang mag-alala Basta't nariyan ka, 'di na mangangamba, hmm-mmm-mmm Sasamahan ka hanggang sa pagtanda Sa bawat sandaling ikaw ay nakayakap sa 'king bisig 'Di maisip ang problema sa paligid Ako'y nanginginig habang tayo'y magkatinginan Lahat ay para bang nakahinto, hindi ko mapinta ang iyong mukha Sa paglipas ng oras, 'di makakatakas Kung ano'ng mangyayari, bahala'ng bukas sa 'tin Kung ako ang kasama, 'wag nang mag-alala Basta't nariyan ka, 'di na mangangamba, hmm-mmm-mmm Sa panaginip na lang ba mangyayari Ang aking ninanais na tanawin? Kailangang burahin ang pantasyang hinahangad (Oh) sa panaginip ka na lang ba? Pagdating ng oras, 'di makakatakas Kung ito'ng mangyayari, paano'ng bukas natin? Sa paglisan ko sana'y 'wag nang mag-alala (sa paglisan ko sana) Kahit ayaw kong mangyari, ito na'ng bukas natin Ayaw pang magpaubaya 'Di na ba makakayakap muli? Ayaw pang magpaubaya 'Di na ba makakayakap muli? Ayaw pang magpaubaya (pagdating ng oras 'di makakatakas) 'Di na ba makakayakap muli? (Kung ito'ng mangyayari) Ayaw pang magpaubaya (sa paglisan ko sana'y 'wag nang mag-alala) 'Di na ba makakayakap muli? (Kahit ayaw kong mangyari, ito na'ng bukas natin)