Bubuo ng tahanan Mula sa mga nakaw na sandali Pupunan ng halaman At mga alaalang bumabalik Para bang laro ng isang klaseng pakiramdam ang pag-ibig na ito Di mo ba alam na sa iyong mga ngiti Ako'y gulong-gulo? Para kang bulalakaw At hinihintay ko ang iyong pagdating Para lamang mangarap At para pagbigyan ang mga hiling Pagpatak ng ulan iniisip na naman ang mga sinabi mo Tungkol sa himala at iba pang mga hiwaga ng munting mundong ito Binihag na naman ang puso Nawawala ako sa tono Sa tuwing kumakanta sa tabi mo ♪ Sinadya ng tadhana Na ako'y mahulog sa iyong tingin Sa oras na magkasama Kumikinang lahat ng mga bituin Ako ay sa kanya Di nga lang siya naniniwala sa simpleng mga hirit ko Pag-asa ang tula Ligaya ang tangi niyang sala Ano bang panlaban ko? Binihag na naman ang puso Nawawala ako sa tono Sa tuwing kumakanta sa tabi mo ♪ Binihag na naman ang puso Nawawala ako sa tono Sa tuwing kumakanta sa tabi mo