Kishore Kumar Hits

poisonhxrzy - Mama lyrics

Artist: poisonhxrzy

album: Mama


Burdado na binata, tingin sakin ni mama
Ako'y pariwara na, nababaliw na ata
Ako sa iyong mga mata, bihirang magpakita
Palaging ayos lang ako
Ako na ang bahala
Mahal kita palagi, higit pa sa inaakala
Para sa iyo handa ako na sumalo ng bala
Ginagawa lahat upang muli kang makasama
Ginagawa lahat upang hindi ka na lumuha, ma
Ako ay gumigising na, malambot aking kama
Puro totoo mga napili kong kasama
Mga kaibigan ko ay aking sinasala
Kase minsan na rin nasira ang aking tiwala
Minsan na kong nagkamali at ako'y nadala na
Wag mong intindihin kase ako ay matanda na
Sa'king mga haharapin ako'y nakahanda na
Ngayon alam ko na kung ano ang mali sa tama
Sayo lang umaamo tulad kong itim na tupa
Puso kong sarado, susi don ay iyong tawa
Makita mo man na nagdurugo, wag kang maawa
Balang araw ay mababayaran ko mga tumulo mo na luha
Dahil sakin palagi kang nalalagay sa alanganin
Sa daming kasalanan, kamalasan na dinulot ko
Nagagawa mo pa rin na ako'y ipanalangin
Mawala man ang lahat ako ay mananatiling
Na mayaman hanggat ikay nasaking piling
Namimiss kita kahit na hindi ko to maamin
Mahal kita palagi
Wag mong alalahanin
Kabisado ko sarili
Alam ko ang reseta
Pag isipan bumubugso
Pero kung sakaling 'di na 'ko muling makauwi
Aking biskeleta ibigay mo kay bunso
Mahal kita kahit ako'y
Burdado na binata, tingin sakin ni mama
Ako'y pariwara na, nababaliw na ata
Ako sa iyong mga mata, bihirang magpakita
Palaging ayos lang ako
Ako na ang bahala
Mahal kita palagi higit pa sa inaakala
Para sa iyo handa ako na sumalo ng bala
Ginagawa lahat upang muli kang makasama
Ginagawa lahat upang hindi ka na lumuha ma

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists