Di takot sumisid Takot lang malunod Di takot sa mataas Takot lang mahulog Di takot na magtiwala Takot lang malason Di takot na tumaya Takot lang matalo Hindi takot na sumaya Takot lang sa kapalit laging dismaya Kaya ayaw kong manabik Hindi ako takot na ika'y umalis Takot lang baka ako baka ika'y hindi na bumalik Naaral ko na kung papano ang pekeng Pag ngiti Di ganon kahirap lalo Kung ikay manhid na Minsan kalungkutan ay parang bagyo Wala kang magagawa kundi hayaang dumaan Pwede ding sukuan mo nalang o Uusukan mo nalang Tapos tulugan mo nalang Subukan mo nalang na Tulugan mo nalang Tapos usukan mo nalang At usukan nang Usukan mo nalang Bigat sa dibdib Isusulat ko nalang Uusukan ko nalang Hipak hanggang amatan Buga hanggang gumaan Minsan Nakakasawa na mabuhay Kung ikaw ay nabubuhay Na di mo alam kung Para saan Umiikot orasan Tableta't musika parausan Kaya kapag ako'y lutang walang maramdaman Mga pasan pasan Panandalian na gumagaan Gusto kong ayusin yung ako Pabalik sa tama na daan Sa papanong paraan? Kung sarili'y puro dahilan Kaya ayoko makisama sa maraming tao Kase ako'y di nila maintindihan (Di nila ako maintindihan) Pinto ng aking kwarto'y diko naisara Gulat si mama sa nakita nya Ba't ang daming bote? walang namang bisita Dami ng tableta Wala namang reseta Tawa lang ng tawa wala namang kasama Anak ayos kalang ba? Ayos lang ako, labas kana ma Binalaan mo ako tungkol sa mga droga Pero hindi sa mga magaganda na dalaga Pagibig minsan parang mahika, mahiwaga Pero mahika'y minsan ilusyong lamang Kung puso'y napapalitan Ako'y sagad na magmamahal Kahit ulit ulit masaktan Uulitin ko ulit (Kaso lang hindi)