(Wise men say only fools rush in) (Wise men say only fools rush in) Kaya ko namang mag-isa, kase nga umalis ka diba? Kaya ko naman kaso nga lang katotohanan ay mahirap talaga 'Di na masaya, kase nga wala ka na Ang mga mata lagi ng basa namumugto, namamaga Puso'y nabalot ng pasa Gusto kong maghalo na bigla Pumutok pero 'di makakasa Nais ko na lang isulat ang aking mga nadarama Kaso nga lang mga lapis tila ba walang tasa Ano nga dapat kong maramdaman? Sa damdamin ka' daming nakadagan Sa iyong pagdating ay tila dumaan Pero nang umalis ka, tila ba nadagdagan Sige lang todo mo na, puso ko ay 'di na maaayos yan Tutal sinugatan mo na bakit 'di pa tuluyang wasakin? Hanggang sa wala na nga akong madarama pa Hanggang sa wala ng matira na lakas Para tumayo kada nadarapa Para saan mga paraan ko? Kung siya naman pala ang dahilan mo Para ako ay lisanin mo Walang kwenta ang pakiusap ko Patuloy akong kumakapit sa 'yo Kung alam ko lang na binitawan ako 'Di na sana katawatawa 'Di na sana nagmukang tanga sa harap mo (Wise men say only fools rush in) (Wise men say only fools rush in)