Halika, tayo ay tumagay, kalimutan mga bagay At samahan kang nakatingin Sa makinang bato na tala o saan bang mahiwaga Ako pupwede na humiling ♪ Kahit ano pa'ng gawin mong tagay, gano'n pa rin Pinapapula ang mga mata na nakaharap sa salamin Kuha mo pa rin 'to sana kung ikaw ay nagising Sa ingay ng paligid kahit hindi madilim Subukan mo na alisin ang isip mo sa pambihirang Mundo mo na nakakasuka, hukayin ang kailaliman 'Wag mo nang pag-isipang hiwalay sa karamihan Bagay mo na napupuna, iwasan ang mga alitan Lakad ka lang nang banayad, sabayan natin ang alon Hayaan mong kusang bumagsak ang mga tuyo na dahon Tingin ka lang sa langit, 'wag isipin ang kahapon na balikan Isipin mo ang bukas sa pagbangon Sige na, kap, 'wag piliting Isip ay mabalot sa maling bilin Sumama ka sa akin, ating hanapin Iwanan mo ang takot, lungkot ay ating baliin kasi Dito sa paraiso 'Taas mo ang alak at tayo ay magpakalasing (magpakalasing) Hintayin mo lamang bawat tagay ko sa baso Sigurado na ito ay makakarating (makakarating) Itaas mo lang ang tagay hanggang mag-umaga ('Lika na, 'lika na) gusto kitang kasama Sa paraiso kung sa'n nagtatanggal ng mga negatibong Enerhiyang nakabalot sa utak ng kahit sino Mekanismong pampagana, pampalasa't pampabaga Sa mithiing magtagumpay sa bawat pakikibaka Isantabi ang takot at malaya kang sumama Sa kumpulan ng mga ibon na matayog 'pag rumonda Mas maiging nakasentro 'yung sintido, 'wag kumontra At taasan ang lipad, parang kay Pepeng saranggola Maglakbay sa kung saan ang kayang marating Nakatingin sa mga ulap at ang tiyansa'y kagatin Isaboy mo ang pananim at ang iba, iyong dalhin 'Pag abot mo na 'yung tuktok, 'wag kang matakot tumingin Sa ibaba kung sa'n ka galing, sumama ka sa akin At aking ipapakita ang ganda ng mga tanawin (that's right) Walang kasingpayapa, dampi ng malamig na hangin Sumama ka sa biyahe sa paraiso kung tawagin Dito sa paraiso 'Taas mo ang alak at tayo ay magpakalasing (magpakalasing) Hintayin mo lamang bawat tagay ko sa baso Sigurado na ito ay makakarating (makakarating) Itaas mo lang ang tagay hanggang mag-umaga ('Lika na, 'lika na) gusto kitang kasama Halika, tayo ay tumagay, kalimutan mga bagay At samahan kang nakatingin Sa makinang bato na tala o saan bang mahiwaga Ako pupwede na humiling Sa t'wing nakapikit aking mata, ito ang nakikita ko Sana pagmulat ko, gano'n pa rin Paraisong parang langit, 'lika sa 'kin ay kumapit At doon kita dadalhin Lumakad ka lang pasulong hanggang masungkit mo ang tumpok Ang mga pangarap ay taasan, lampasan mo ang bundok Sa kada mo tapak, mag-udyok na umabante sa tuktok Ang pambalanse mong sangkap ay negatibong pamukpok 'Di ka na dapat maging marupok, husayan mo ang tali Magbigkis ng mga kapirasong dahong susi sa pagyari Tibayan mo ang habi ng 'yong telang panangga Para paglubog ng araw, may sandatang panabla sa taglamig Dito sa paraiso 'Taas mo ang alak at tayo ay magpakalasing (magpakalasing) Hintayin mo lamang bawat tagay ko sa baso Sigurado na ito ay makakarating (makakarating) Itaas mo lang ang tagay hanggang mag-umaga ('Lika na, 'lika na) gusto kitang kasama Dito sa paraiso 'Taas mo ang alak at tayo ay magpakalasing (magpakalasing) Hintayin mo lamang bawat tagay ko sa baso Sigurado na ito ay makakarating (makakarating) Itaas mo lang ang tagay hanggang mag-umaga ('Lika na, 'lika na) gusto kitang kasama