Kishore Kumar Hits

HBOM - 4 ACES lyrics

Artist: HBOM

album: 4 ACES


CTBeats on the track, man
Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap
Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat
Una sa baraha ang panalo ng Pinoy
'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy
Suot na ang korona na nakatatak alas
Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas
Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala
Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na
Tila ba'y 'di lang kinagiliwan ng karamihan sa lalawigan
Dahil s'ya din ang isa sa bidang nagmalaki ng pinanggalingan
Pamamagitan ng patagisan, 'di nagpaiwan sa kaalitan
Kaya hinirang na nga s'ya bilang isang mabisang may kagalingan
Itong Quadro Alas, titulado na mas
Determinado't talagang may siguradong lakas
Ang lebel, pang-eksperto 'pag John Riel Casimero
'Pagkat gigil sa ingkuwentro, naka-defend sa 'ting puwesto
Paulanan ng magkabilaang sapak na animo'y talagang nagbabaga
Sa kanilang pakakawalan na sapak ay umilag ka lang nang malaya
Naniniwalang makakawawa sila sa iyong pananalasa
At nagkakamali sila kung inaakala nilang sila'y makakatama
Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap
Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat
Una sa baraha ang panalo ng Pinoy
'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy
Suot na ang korona na nakatatak alas
Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas
Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala
Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na
Kaya kabahan ka na sa mga kaya n'yang gawin
Seryosong kalaro ang kaagapay mo sa ring
Partida sa simula, ikaw ay papakainin
Ng mga kamao bago ka pabagsakin
Pa'no sasabay kung nauna kang natumba?
Sa tingin pa lang, labas na'ng 'yong pamumutla
Pulidong Pinoy na s'yang lakas ng mga Bisaya
Mga bakas ay parang biyaya kung makalaban mo na s'ya
Pangalang pag madunggan, ulbo mga dughan
Kay adunay kumo pag makaon, makatuk-an
Nganga ang tutunlan, bungol ang dalunggan
Ang sinumbagan katumbas kay mura'g natumban
Kulangon ang mga ugma kung sakit kay pamation
Nawong nga mga guba kay mura na'g kabalion
Sa tion pa lang munang wala'y gamay'ng kalas
Ang malakas ng 'Pinas na si Quadro Alas, ha
Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap
Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat
Una sa baraha ang panalo ng Pinoy
'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy
Suot na ang korona na nakatatak alas
Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas
Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala
Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na
Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap
Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat
Una sa baraha ang panalo ng Pinoy
'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy
Suot na ang korona na nakatatak alas
Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas
Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala
Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na, brrah

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists