Kishore Kumar Hits

HBOM - LAHI lyrics

Artist: HBOM

album: LAHI


Magsama-sama mas lalong kayang kaya,
Na i-angat ang dala natin na Bandera,
Magtulungan ang dapat natin na gawin,
Pagmamahal saan ka man makarating,
Mas kayang kaya kapag nagsama-sama
Ang Pilipino ay handa pong makibaka,
Kahit ano mang ungos saming dumating,
Lahi namin ay nakatayo pa rin!
Kung ako ang tatanungin sa kulay di nakatingin
At alam mo rin ang nais ko at gusto na iparating
Lahing inukit ng mga ninuno sa puno na itinanim
Dugong nananalaytay sa akin ay dugong pilipino parin
Kahit saan man na makarating
Uuhh
Pakitingin to sa mga pila, lahing pinoy ang laging nangunguna
Kapag bumuhat baka magulat
Kapag pinoy na ang umeksena
Sa kada pakita mo ng kabutihan
Merong balik sa bawat palitan
Yan ang pinoy na madalas mona dito makikita
Kahit ano pang uri ng tao ang
IYo pang
Kinabibilangan basta pinoy lahat gagawin kahit na nahihirapan,
Sa bawat patak ng pawis ay pag asa ang laging kailangan
Basta pinoy kayang ibandera ang lahi kapag ito na ang usapan
Alam mo pag sinabing pinoy ay malawak ang ating dugo
Kayang anurin ang utak ng mapang lamang kapag itoy napuno
Nasa loob ang kulo, pero napaka ginoo
Kayang lumaban ng patas sa patas eh alam ko yan bakit?
Eh kasi pinoy din ako
Magsama-sama mas lalong kayang kaya,
Na i-angat ang dala natin na Bandera,
Magtulungan ang dapat natin na gawin,
Pagmamahal saan ka man makarating,
Mas kayang-kaya kapag nagsama-sama
Ang Pilipino ay handa pong makibaka,
Kahit ano mang ungos saming dumating,
Lahi namin ay nakatayo pa rin!
Lahing nakapahid at dumadaloy sa aking mga dugo,
Kulay na puti yung nakikita pero kayumanggi na buo,
Pusong makabayan hinalayan ko para nga makita mo,
Paanino ko pano to ngayon
Sa aking bungo tumangan na buo,
Di na para- pakita na ako'y pilipino rin
Para aking lahi dito 'di ko lingunin,
Sinagisag ng ating watawat
Kaya dapat ko lang na dalin,
Pagiging Pilipino ko kahit san makarating,
Tinabi kong tapang ay merong pinaglaanan sa kabila ng mga pagsubok,
Ay kayang kaya na lumaban, di panaog mang subukan ng panahon
Ay merong natutunan, kaya kung hanapin ng
Sarili ko iligaw man to ng kapalaran na,
Alam mo pag sinabing Pinoy ay malawak ang ating dugo
Kayang anurin ang utak ng mapang lamang kapag ito'y napuno
Nasa loob ang kulo, pero napaka ginoo
Kayang lumaban ng patas sa patas eh alam ko yan bakit?
Eh kasi Pinoy din ako
Magsama-sama mas lalong kayang kaya,
Na i-angat ang dala natin na Bandera,
Magtulungan ang dapat natin na gawin,
Pagmamahal saan ka man makarating,
Mas kayang kaya kapag nagsama-sama
Ang Pilipino ay handa pong makibaka,
Kahit ano mang ungos saming dumating,
Lahi namin ay nakatayo pa rin!
Magsama sama mas lalong kayang kaya,
Na i-angat ang dala natin na Bandera,
Magtulungan ang dapat natin na gawin,
Pagmamahal saan ka man makarating,
Mas kayang - kaya kapag nagsama-sama
Ang Pilipino ay handa pong makibaka,
Kahit ano mang ungos saming dumating,
Lahi namin ay nakatayo pa rin!

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists