Kishore Kumar Hits

Mikerapphone - Super Kuripot lyrics

Artist: Mikerapphone

album: Super Kuripot


May sumisigaw sa may kalayuan
Siya ay narinig ko habang namamasyal
Ang sabi niya, "Puwede mo ba 'kong tulungan?
Tulungan mo ako ng tulong pinansyal"
Ako ay lilipad hanggang kalangitan
Kapag usapang pera at 'pag sapilitan
Walang makakatalo, tapos kayong lahat
Sa 'king kapangyarihang may bulsa sa balat
Ako si Super Kuripot
Ang tigapagtanggol ng mga nagtitipid
Super Kuripot
Bagyo man o lindol, hindi magigipit
Super Kuripot
Kahit anong pintas, walang ilalabas
Super Kuripot
Hanggang saang mundo ay magwakas
Pagbibigyan kita, oh, aking kaibigan
Sa jeep, sa bus, sa mall, mamahaling restawran
Saan mo man gusto, sa'n mo maisipan
Basta't pangako mo, hindi 'to ambagan
Kasi ako ay lilipad hanggang kalangitan
Kapag usapang pera, bahala ka na diyan
Walang makakatalo, tapos kayong lahat
Sa 'king kapangyarihang may bulsa sa balat
Ako si Super Kuripot
Ang tigapagtanggol ng mga nagtitipid
Super Kuripot
Bagyo man o lindol, hindi magigipit
Super Kuripot
Kahit anong pintas, walang ilalabas
Super Kuripot
Hanggang sa ang mundo ay magwakas

Ako ay lilipad hanggang kalangitan
Kapag usapang pera, bahala ka na diyan
Walang makakatalo, tapos ang lahat
Sa 'king kapangyarihang, may bulsa sa balat
Ako si Super Kuripot
Ang tigapagtanggol ng mga nagtitipid
Ako si Super Kuripot
Bagyo man o lindol, hindi magigipit
Ako si Super Kuripot
Kahit anong pintas, walang ilalabas
Super Kuripot
Hanggang sa ang mundo ay magwakas
Super Kuripot
Ang tigapagtanggol ng mga nagtitipid
Super Kuripot
Bagyo man o lindol, hindi magigipit
Super Kuripot
Kahit anong pintas, walang ilalabas
Super Kuripot
Hanggang sa ang mundo ay magwakas

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists