Marahil Ikaw ay naguguluhan Kung sino ako at ika'y nasaan Puno na ng tanong ang isip mo La-la-la-la-la-la-la Huli mong alaala ay sa ospital Dahil sa kalagayan mo na kritikal Puso'y huminto at tinakluban Ang iyong walang buhay na katawan Isang iglap lang ay 'andito ka na Ako ang gabay mo, 'wag kang mag-alala Ang dahilan ba't ka naririto La-la-la-la-la-la-la Wala kang kwentang tao no'ng buhay ka pa Ang gusto ng lahat ay mamatay ka na Puwes, 'eto na 'yun wala kang ligtas Kaluluwa mo'y hawak na ni Satanas Oh, dito sa, dito sa impyerno Wala kang lusot, 'di ka maaabswelto Matagal ka na naming hinihintay Dito ka masusunog ng walang humpay Tuloy po kayo, dito sa impyerno ♪ Bata ka pa lang ay salbahe ka na Payo ni Inay ay binalewala Sarili mo lang ang inisip mo La-la-la-la-la-la-la Napakarami na ng pinerwisyo mo Inuna mo barkada't mga bisyo mo Ang payo nila, itigil mo na Imbes na ihinto, lalo pang lumala Lahat ng tao'y pinaglololoko Kasamaan mo'y sumagad sa buto Daig mo pa mga sinto-sinto La-la-la-la-la-la-la Sa kapwa mo ay lagi kang nanlalamang Hindi ka humingi ng kapatawaran Puwes, 'eto na 'yun wala kang ligtas Kaluluwa mo'y hawak na ni Satanas Oh, dito sa, dito sa impyerno Walang binatbat ang init ng desyerto Matagal ka na naming hinihintay Dito ka masusunog nang walang humpay Tuloy po kayo, dito sa impyerno ♪ Dito sa, dito sa impyerno Wala kang lusot, 'di ka maaabswelto Matagal ka na naming hinihintay Dito ka masusunog nang walang humpay Tuloy po kayo, dito sa Dito sa, dito sa impyerno Walang binatbat ang init ng desyerto Matagal ka na naming hinihintay Dito ka masusunog nang walang humpay Walang magagawa, magmaka-awa man Parurusahan ka nang magpakailanman Tuloy po kayo, tuloy po kayo Tuloy po kayo, dito sa impyerno