Kishore Kumar Hits

Mikerapphone - Singilan Na lyrics

Artist: Mikerapphone

album: Singilan Na


One, Two
One, Two, Three, Four
Hoy! Prrrr
Ikaw ba ay may utang?
Ikaw ba ay may utang?
'Lagi ka bang tumatakbo?
At wala kang planong bayaran?
Puwes, tapos na ang maliligayang araw mo
Kasi, singilan na
Yo, excuse me, mga 'tol, kilala n'yo ba tong nasa litrato?
Isa 'tong malaking ulol na napakarami nang minaltrato
Wala namang pinatay na tao, estafa lang 'yung kaso
Pero sobrang gago, nagsipatong na 'yung atraso
Dinapuan na ako ng trangkaso dahil sa sobrang hirap
Nagsama pa ako ng aso kaso 'di ko mahagilap
Itong si tukmol, para kang naghahanap ng isang pirasong amoebang
Nakatago sa likod ng makapal na bulbol
Nasaan na kaya si tamulmol? Baka may plano nang magbayad
'Yung may sayad na 'yon, baka makakaya ngayon?
Pero kung hindi, baka hindi na ako makapagtimpi
At baka maglalagari na ako, at may maputol na akong dalawang binti
Para 'di na makatakbo, kaya itatak mo 'to
Sa kokote mong korteng takip ng coke sakto
Handa na ang posas, ang lubid, at timba, ungas
Ito na ang oras, kasi singilan na
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
At 'wag mong balakin magtago sa 'kin, pre
At p'wede? 'Wag mo 'kong daanin sa pahikbi-hikbi
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
No'ng umutang ka sa 'kin, ika'y nakangiti
Pero no'ng binanggit ko 'to, bakit bigla kang natae?
Nanggaling pa ako ng Morong Rizal
Para makita lang ang bobong kupal na 'to
Habang pinapagulong, sampal, at kotong
At ma-ibalik ang pera kong inutang mo pa sa 'kin
No'ng 19 kopong-kopong, mokong
Sabi mo no'n may sakit ang 'yong mga magulang
Kaya ka nagbakasakaling umutang
Ako naman si gago, biglang nagkusang-loob
Kay hunghang, pumutok na 'yung bulkang Taal
Pero no'ng pumunta 'ko sa Facebook mo, nagmu-mukbang ka pa, gago
Paano na 'ko? 'Di ba ika'y nangako na ibabalik mo din agad?
Ang sabi mo, kapag nand'yan na sahod ay huhulugan mo na
Pero nag-ipon ka lang ng libag, wala ka bang utak?
Humahalimuyak ang amoy mong hinayupak ka
Gusto mong tumakas? Naku, p'wede 'wag nang magtangka?
Ilabas ang posas, ang lubid, at timba, ungas
Ito na ang oras, kasi singilan na
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
At 'wag mong balakin magtago sa 'kin, pre
At p'wede? 'Wag mo 'kong daanin sa pahikbi-hikbi
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
No'ng umutang ka sa 'kin, ika'y nakangiti
Pero no'ng binanggit ko 'to, bakit bigla kang natae?
Eto na, seryoso na, joke lang 'yung timba, posas, lubid
Mabait naman talaga ako, p'wede kita bigyan pa kahit konting palugid
Kaso, kapos na kapos, nasimot na rin ako, malala na, 'di mo ba 'to nababasa?
'Eto 'yung bill na singil sa 'kin ng Meralco at Nawasa
'Wag ka nang paasa, alam mong para na akong sirang plaka
Kasi desperadong galaw na 'to, ubos na ang pera ko sa pitaka
Kabado at nanggitata, ikaw naman ay pahila-hilata, ha
With all due respect, sa tagalog, "mawalang galang na"
Kailangan ba munang kumulog ng sobra't napakalakas?
'Di naman kasi 'to, utang na loob, parekoy, utang 'to sa labas
At kung utang sa labas lang 'to, bakit labag sa loob mong lumabas
Para magkusang loob maghanda ng pera't ilabas
Bago mo pa 'ko sagarin, bago pa kita patayin
'Wag na, mahal ang p'yansa, ngayon pa lang, tadtad na ako ng bayarin
Tapos magmumura ka, parang ako pa gusto mong guluhin
Sumigaw ka pa ng, "'Tang-ina mo", 'eto sagot ko sa 'yo, "'Tang-ina mo rin"
Teka, ba't biglang may mga dumating na mga naka-itim?
At saka, bakit armado ang mga gagong 'to? May kasabwat ka ba?
At pansamantalang lumalapit 'yung may dalang sulat at inabot sa 'kin
Sabay bulong, "Galing daw 'to kay Mr. Alcantara"
Kasi no'ng tag-hirap ng todo, sakto no'n, tinaguan mo 'ko
Naghanap ng poncho pilato, napunta na sa sindikato
Sayang oras, dalawa na tayong matotodas
Kung gusto mo pang makita ang bukas, diyos ko, bayaran mo 'ko
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
At 'wag mong balakin magtago sa 'kin, pre
At p'wede? 'Wag mo 'kong daanin sa pahikbi-hikbi (pahikbi-hikbi)
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
No'ng umutang ka sa 'kin, ika'y nakangiti
Pero no'ng binanggit ko 'to, bakit bigla kang natae?
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
At 'wag mong balakin magtago sa 'kin, pre
At p'wede? 'Wag mo 'kong daanin sa pahikbi-hikbi (pahikbi-hikbi)
Oh, eto na, singilan na (singilan na)
'Di na mapipigilan pa (mapipigilan pa)
No'ng umutang ka sa 'kin, ika'y nakangiti
Pero no'ng binanggit ko 'to, bakit bigla kang natae?
Singilan na

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists