Kahit na noo'y mahirap lang Butas ang bulsa't walang laman Nakuha mo pa ring pagtyagaan Salat sa yaman, baon sa utang Kahit noo'y walang wala Iyong tinaggap at pinagpala At kahit na noo'y isang dukha Sa yo'y yumaman Ang buhay ko Para sa yo! Natatandaan mo ba sinta Pangarap nating guminhawa Para bang ngayo'y dama ko na Ako ang hari, ikaw ang reyna Sa 'ting munting kaharian Tamis ng ngiti ang kayamanan Ang 'yong kamay ang lagi kong tangan Ikaw ang yaman Ang buhay ko Para sa yo! Pag-ibig mo Ang yaman ko! Ang buhay ko Para sa yo Pag-ibig mo Ang yaman ko!