Hi, kumusta na? Sana okay ang inyong kalagayan Kahit 'di pa matanaw ang dalampasigan Lalo na at bumabagyo sa karagatan Hindi ko marinig ang bulong ng langit Kaya ito na lang ang 'tinatatak sa aking sarili Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin ♪ Hay, tinanggihan na ba tayo ng daigdig? May pag-asa pa ba masuyo ang ating tinatangi? Makakarating kaya tayo sa may baybayin? Kalma ka muna, puso; kalma ka muna, utak Araw-araw, ibabad 'to sa aking kaluluwa Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin Isandal ang likod sa unan kapag kinakailangan 'Wag magpatangay sa mga aninong kumakaway Makakarating din tayo sa dalampasigan Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin