Kishore Kumar Hits

Magiliw Street - Akasya lyrics

Artist: Magiliw Street

album: Akasya


Pumipitas ng mga talulot sa ilalim ng mga akasya
Nalilito sa mga bagay
Kung ito ay tama
Sa'n ako patungo?
Sa bawat agos ay ligaya
Bawat oras ay may takot
Ngunit tuloy pa rin ang paglakbay
Huling pitas ko ng talulot
At ako'y napabulong
"Saan ako patungo?"
Sumasabay, sumasayaw ang puno ng Akasya habang tayo ay nag lalakbay
Sa gitna ng mga pilyegong nakakalat sa daanan
Sa ilalim ng mga Akasya, tayo nagsimula
Sa tuwing kumikislap mga bituin naaalala ko ang 'yong mata
Wag ka sanang pumikit sinta, manatili ka lang
Magkasabay bawat hakbang
'Di na napapansin ang ikot ng oras
Walang humpay ang sandaling ligaya
Sumasabay, sumasayaw ang puno ng Akasya habang tayo ay nag lalakbay
Sa gitna ng mga pilyegong nakakalat sa daanan
Sa ilalim ng mga Akasya, tayo nagsimula
Sumasabay, sumasayaw
Ang puno ng Akasya habang tayo ay naglalakbay
Sa gitna ng mga pilyegong nakakalat sa daanan
Sa ilalim ng mga Akasya
Tayo nagsimula

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists