Merong panahon, bata pa ako noon Laging naaapi, laging talo, di naging kampyon Lahat ng emosyon, tinago at kinahon Nanlamig ang loob, ayaw ng bumangon ♪ Ngunit sa malayo, isang boses ang narinig Daloy ng 'king dugo't pintig mula sa'king dibdib Sa gitna ng ingay ay sumigaw ang Tatay ko "Aking anak wag umiyak at wag na wag susuko" Ok lang yan Kahit lamang ang kalaban Wag mag-alinlangan, na lumaban Ang ating angkan, ipaglaban Walang atrasan, hanggang katapusan ♪ Nung isang taon, ilan sa angkan ang yumaon Natakot sapagkat, iilan na lang ang kampi noon At tuluyang nag-isa nung dumayo sa lugar na malayo Upang subukin ang ang mundo ♪ Ngunit nung lumahok sa tuktok ng daigdig "Tiwala lang!" Ang nag-iiisang sambit ng 'king bibig Sa gitna ng gulo'y, isinisigaw ng bayan ko "Pusong Pinoy, hindi tayo'ng mga tipong sumusuko" Ok lang yan, Kahit lamang ang kalaban Wag mag-alinlangan, na lumaban Ang ating angkan, ipaglaban Walang atrasan, hanggang katapusan ♪ Sabi nila "Hindi talaga kaya. Malabo daw imposible" Hanggang kailan ko ba maririnig yang ganyan? Sana balang araw masaksihan ko na magsabi ang isa sa inyo na "Wala yan, puso lang! Tiwala lang! Kayang-kaya yan!" Mas gugustuhin nyo bang hindi subukan kesa matalo Ng walang kalaban-laban? Minsan nasa baba minsan nasa taas, may gulong yan! Eto nalang iiwan ko sa lahat ng nakikinig nito! Manalo Matalo hindi ka nag-iisa sa laban na to Galit na'ko! Palag-Palag!!! Ok lang yan, Kahit lamang ang kalaban Wag mag-alinlangan na lumaban Ang ating angkan, ipaglaban Walang atrasan, hanggang katapusan Ok lang yan, Tayo'y lumaban, tayo'y lumaban Ang ating angkan ipaglaban, walang atrasan Laban kung laban (wo-ohh-ohh) ♪ Laban kung laban (wo-ohh-ohh) Laban! Laban! Laban!