Nakahiga dinadaga Dibdib kong punong-puno gustong kumawala Walang iba itong gusto Ikaw lang at ako Nakahandang ika'y samahan Kahit saan mo gusto Tahimik man ako Merong telepono Naghihintay lang ako sagutin mo mga tawag ko Umaga o gabi 'kaw iniisip katabi 'Di ako nagmamadali pabagalin pa natin sandali 'Di ko maintindihan Parang pagsusulit na 'di ko masagutan Ang akin lang naman ikaw ang nilalaman Ng aking mga sinulat aking pinamagatan Alam mo 'yan Dami nang sabi-sabi sa tabi-tabi 'Di kaya na magalit kaya lagi na humihindi Kaya naman halika na paligid ay tahimik na Wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya Tumitig ka sa 'king mata Sabihin ang iyong nadarama Halika na tumitig ka Sabay natin na sabihin ang nadarama Sa 'kin ay tumingin ka Sa 'kin ay ngumiti Hinding-hindi tatanggi Kung sakaling tumabi ka Sa 'kin ay tumingin ka 'Lika na't humimbing Pumikit hanggang sa kung saan Na makarating Panibagong araw na naman Pagpasok ko sa trabaho hay traffic na naman Ayos lang naman nasanay na naman At ang mahalaga 'kaw ang aking inaabangan Sa bawat oras ay hindi makapapayag na maagaw Mga pagkakataon nais sa inyo na dumalaw Hiniling sa itaas mga bituin, buwan at araw At ang tangi niyang sagot sa akin ay kumalma nga raw O sige aking pakikinggan ang sasabihin Kung manalo o matalo tanggapin ang sasapitin Limitado ang galaw kay dali mo akong akitin Kung hindi ang kasagutan 'di na natin pipilitin pa Panhik-panaog alas tres a dose ng umaga Napupuyat kakaisip dala-dala pa sa kama Ang larawan sa 'king utak ikaw ang makakasama At wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya Tumitig ka sa 'king mata Sabihin ang iyong nadarama Halika na tumitig ka Sabay natin na sabihin ang nadarama Sa 'kin ay tumingin ka Sa 'kin ay ngumiti Hinding-hindi tatanggi Kung sakaling tumabi ka Sa 'kin ay tumingin ka 'Lika na't humimbing Pumikit hanggang sa kung saan Na makarating Sa 'kin ay tumingin ka Sa 'kin ay ngumiti Hinding-hindi tatanggi Kung sakaling tumabi ka Sa 'kin ay tumingin ka 'Lika na't humimbing Pumikit hanggang sa kung saan Na makarating