Kishore Kumar Hits

krisostomo - 3:12 AM lyrics

Artist: krisostomo

album: 3:12 AM


Trabaho na muna pero ikaw ang lagi ko gusto makita
Sa araw-araw, ikaw ang natatanging magandang balita
Paningin ko 'man ay malabo
Meron na pagtingin na 'di kaya na itago
Pwede ba ako na dumayo?
Sa kinauupuan mong di ga'nong kalayo
Nais makausap katulad mong 'kay tagal nang hinahanap
'Di ko mabilang ang sulyap
Pukaw sa mata mong halos wala nang talukap
Gandang dalaga, nakamaskara
Haharanahin ka sa 'yong bintana
Iyong pinapana pansinin sana
Ang laging pangarap ika'y makasama (Woah)
Sa bawat oras ay tumatakbo sa isip
Hintay sa pagkakataon na ika'y mapapasilip sa akin
Sa bawat sandali, tunaw sa kakatitig
Ang aking pagtingin na sana ito'y maging pag-ibig sa 'tin
Ako nga ay nahulog na sa mga ngiti mong kay ganda
'Di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto ko 'man 'tong sabihin e 'di bale wag nalang
At ako nga ay nahulog na sa mga ngiti mong kay ganda
'Di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto ko man 'tong sabihin e 'di bale wag nalang
Hanggang sa aking pagtulog nakikita't nakakasama ka
Sa panaginip, ikaw lang palagi ang nilalaman
Hanggang sa aking pag-gising ikaw ang s'yang dahilan
(Kaya, kaya)
Sa'n ka 'man na pumunta laging nakasunod ang aking mata
'Di ko mapigil, napapatigil sa paghakbang ang aking mga paa
Mula sa aking kinakatayuan
Tanaw ang ganda kahit malayuan
Gusto ko sana na malapitan, pangarap ko na lagi na matabihan
Ang isang katulad mo na palaging bumubungad
Larawan mo sa'king pitaka ay talaga naman na mapapamulat
Buhok mo na kulay abo, hinding hindi ako malilito
Dinami-daming mga babae sa'yong sa'yo lang ang paningin ko kase (Woah)
Sa bawat oras ay tumatakbo sa isip
Hintay sa pagkakataon na ika'y mapapasilip sa akin
Sa bawat sandali, tunaw sa kakatitig
Ang aking pagtingin na sana ito'y maging pag-ibig sa atin
Ako nga ay nahulog na sa mga ngiti mong kay ganda
'Di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto ko 'man 'tong sabihin e 'di bale wag nalang
At ako nga ay nahulog na sa mga ngiti mong kay ganda
'Di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto 'ko man 'tong sabihin e 'di bale wag nalang
Hanggang sa aking pagtulog nakikita't nakakasama ka
Sa panaginip, ikaw lang palagi ang nilalaman
Hanggang sa aking pag-gising ikaw ang s'yang dahilan
(Kaya, kaya)
At ako nga ay nahulog sa mga ngiti mong kay ganda
'Di 'ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto ko 'man 'tong sabihin e 'di bale wag nalang
At ako nga ay nahulog na sa mga ngiti mong kay ganda
'Di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Gusto ko 'man 'tong sabihin e 'di bale wag nalang
Hanggang sa aking pagtulog nakikita't nakakasama ka
Sa panaginip, ikaw lang palagi ang nilalaman
Hanggang sa aking pag-gising ikaw ang s'yang dahilan
(Kaya, kaya)

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists