Kishore Kumar Hits

krisostomo - Halik lyrics

Artist: krisostomo

album: Halik


Nagkatitigan, kahit na wala sa hilig ang madiligan
Pero pano malalaman kung hindi mo susubukan
Tipong hindi susukuan hanggang mawalan tayo ng
Malay kaligayahang alay
Sige lumunok kahilingan mo na tagay
Inakala na saglit lang pero ba't tumambay
Ka sa aking isip ayaw mo ng humiwalay
Pinipilit ko iwasan, mga talahiban na tila nag tataasan
Ramdam ko na ang kalabit nitong kalikasan
Nagbibigay ng babala na hindi mo na pwedeng matakasan
Naki halubilo sa mundo
Mo na aminadong magulo
Ngunit handa ko na iguhit
Sino mang magtatangka sayo na sumundo
Ligaya ang tanging nadarama
(Tuwing kasama ka)
Pinapangakong iingatan ka
(Kahit san magpunta)
At sa ating pagpikit
Labi na papalapit
Hayaan natin ang isa't isa'y magkadikit
Habang lumalim gabi
Teka muna sandali
Ating Pabagalin wag kang masyadong magmadali
Wag mo hayaang mabitin ang
Mga sandaling tinuring na hiram
Pagsubok na hindi ko na bilang
Magkasama, walang nakakaalam
Hindi ko maintindihan
Lumulutang ang isipan, di mapigil ang
Pagkalunod ko sa lalim di ko man to akalain
Nagawa ka na ilihim ako lang ang may alam
Mundo'y sayo na umikot
Natagpuan sa ulap at nakapalibot
'Yoko sanang bumaba gusto kong makalimot
Kahit na panandalian lang ngiti mong dulot
Naglalakbay na diwa
Inaabangan ang mga imposible ko na makita
Kayamanang yamashita
Mananatiling nakatago pero laging kumikita
'Ding hindi malilinawan
Hanggat hindi mo iminumulat mata sa katotohanan
Langhapin kaginhawaan
Narating ko ang itaas nang di ako nahihirapan
At kung panaginip lang ay para bang ayoko na rin
Magising at bumalik
Magkasama't magkayakap ikaw laging hinahanap
Halimuyak na hatid ng mahiwaga mong halik
Dahan dahan lang dahan dahan lang
Wag masyadong magmadali
Dahan dahan lang dahan dahan lang
Wag masyadong magmadali

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists