Ilang gabi pa ba iipunin mga patak ng luha Ilang umaga pa uuliting magsimula Tatawirin mga tulay Nang 'di makasabay Lalanguyin ang dagat Na 'di na hawak ang iyong kamay Mapayapa na sanang lalampasin Saan man patungo ang hangin Salubungin ang bagong araw Nang hindi man natatanaw Sumunod sa agos ng panahon Na 'di na bihag ng kahapon Ilang gabi pa ba bibilangin ang mga tala Ilang umaga pa magugunita mga alaala Mababasa ng ulan Nang 'di na magkaramay Aantayin mga ngiti mo Sa bawat tagumpay Mapayapa na sanang lalampasin Saan man patungo ang hangin Salubungin ang bagong araw Nang hindi man natatanaw Sumunod sa agos ng panahon Na 'di na bihag ng kahapon Layunin natin magkatagpo Kahit mundo natin ay magbago