Kishore Kumar Hits

Jo.e - Sanay Naman Ako lyrics

Artist: Jo.e

album: Unang Salita


Kailan na nga ba matatagpuan
Pag-ibig na inaasam?
Oh, hanggang pelikula na lang ba
Mga yakap na pinapangarap?
Ayos lang kasi...
Sanay naman akong
Naglalakad nang walang kahawak
At nakatingin sa ulap
Oh, bakit 'di ka mahanap?
Oh, sanay naman akong
Kumain nang walang kausap
Wala naman akong problema
Basta't alam kong darating ka
Sa tamang panahon
At saan man naroroon
'Di lang ngayon
Tumatakbo ang oras
'Di makatanggap ng rosas
Kailan kaya makakaranas?
Ito lang ba palatandaan?
Mataas ba akong mangarap?
Ayos lang kasi, oh
Ilang taon pa ba dadaan at bibilangin?
Pipilitin mong hindi na s'ya parating hahanapin
Pero 'di mo mapigilan ang puso mong naisin
Ang pagmamahal na higit pa sa kaibigan mong kapiling
Alam kong gusto mo lamang na maranasan ang pag-ibig
At mahanap rin ang taong tapat at 'di ka lolokohin
Sabi nila, 'wag nang mamili, dapat magmadali
Pero 'wag naman gano'n, pa'no naman ang 'yong sarili?
Nasa 'yo naman lahat ng pwedeng hanap nila
Pero bakit ka nariyan nakatulala't nag-iisa?
Alam kong 'yan ang iniisip mo't parating iniinda
Nababasa sa 'yong mukha, 'di mo na mapagkaila
Pero 'wag kang mag-alala
'Di ka naman nag-iisa
Sabihin lamang sa sarili
Na ayos lang kasi
Sanay naman akong
Naglalakad nang walang kahawak
At nakatingin sa ulap
Oh, bakit di ka mahanap?
Oh, sanay naman akong
Kumain nang walang kausap
Wala naman akong problema
Basta't alam kong darating ka
Oh, sanay naman akong
Naglalakad nang walang kahawak
At nakatingin sa ulap
Oh, bakit 'di ka mahanap?
Oh, sanay naman akong
Kumain nang walang kausap
Wala naman akong problema
Basta't alam kong darating ka
Sa tamang panahon
At saan man naroroon
'Di lang ngayon

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists