Kishore Kumar Hits

Jo.e - Unang Salita lyrics

Artist: Jo.e

album: Unang Salita


Sa t'wing nagbibilang ako ng mga dumaraang tao
Sa t'wing lumilipas ang mga buwan man o taon
Sa bawat yugto ng buhay ko
Magbago man aking mundo
Tila laging bumabalik sa 'yo
Dahil ikaw ang unang-una
Nagpatibok ng pusong
'Di pa maintindihan
Mga binubuong salita
Nung ako ay bata pa
Naturuang kumapa ng musika
Gamit aking mga paa
Ang una kong nasa isip
Mahal kita
Umabot ng kolehiyo
Natutong 'di ipaalam sa 'yo
Mga bagay na 'di na sinasabi
At sikreto kong tinatanggi
Kahit ikaw ang unang-unang
Nagpatibok ng pusong
'Di na maintindihan
Mga binubuong salita
Nung ako ay na-in love na
At natutong magsulat
Ng mga liham 'di mo na alam
At sinasabi sa isip
Kaya ko na
Nung ako'y tumanda
Pilit ko nang kinakaya
Mabuhay na nang mag-isa
Lalo ngayong wala ka na
Ikaw pa rin ang unang-unang
Nagpatibok ng pusong
Naintindihan ko na
Mga binubuong salita
Mula nung ako'y bata pa
Mga ligaya't alaala't
Mahirap nang mabalikan
Mga binubung salita
Mula nung ako'y bata pa
Mga ligaya't alaala't
Mahirap nang mabalikan
Para-rap-pa-pa
Para-rap-pa-pa
Pa-ra-ra-ra-ra-ra
Mga binubuong salita
Mulas nung ako'y bata pa
Mga ligaya'y alaala't
Mahirap nang mabalikan
Ngayon ang tanging nasa isip
Balik ka na

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists