Ang kalmadong paligid Napahiran ng lungkot Mukha'y nakatago Sa ilalim ng malamig na kumot Pagkatapos ng paalam Nagbabalik ang nakaraan Puso'y kay bigat Di na muling mahahagkan Tinig ay paos, hininga ay kapos Nalulunod sa pagluhang Di matapos tapos Ngunit nandiyan ka na Sana'y masaya ka Salamat sa magagandang alaala Bukas paruparo ay babati Ibabalik ang ngiti Inampon ka na ng langit Diyan magkikitang muli Sa kahon inipon Mga mumunting alaala Masasayang kahapon Sa isip ko ay buhay pa Sa 'king pangungulila Sa 'king pag-iisa Hawak ang aking gitara't Dinaan sa kanta Tinig ay paos, hininga ay kapos Nalulunod sa pagluhang Di matapos tapos Ngunit nandiyan ka na Sana'y masaya ka Salamat sa magagandang alaala Bukas paruparo ay babati Ibabalik ang ngiti Inampon ka na ng langit Diyan magkikitang muli Diyan magkikitang muli Ngunit nandiyan ka na Sana'y masaya ka Salamat sa magagandang alaala Bukas paruparo ay babati Ibabalik ang ngiti Inampon ka na ng langit Diyan magkikitang muli Diyan magkikitang muli Diyan magkikitang muli