Mundo mo'y 'di nalilihis Sa mundo kong marikit Ang kada araw na sumasapit Sinasalubong ng nakangiti Kahit gaano kadilim ang langit Pagkukubli'y 'di sinasaisip Ipikit mga mata Kamay ko'y iyong hawakan Sa takot ika'y kumawala At subukang languyin Ang lalim ng aking pag-ibig At subukang alamin Ang pinahihiwatig ng Pusong nananabik Ika'y kumawala 'Wag ng mangamba Walang mawawala Isip mo'y 'di na bago Sa mundo kong magulo Ngunit kung bibigyan ng pagkakataon Hayaan mo akong Ipakita sayo ang Tinatagong ganda nito Ipikit mga mata Kamay ko'y iyong hawakan Sa takot ika'y kumawala At subukang languyin Ang lalim ng aking pag-ibig At subukang alamin Ang pinahihiwatig ng Pusong nananabik Ika'y kumawala 'Wag ng mangamba Walang mawawala Tulungan mo akong Ipakita sa'yo Ang tunay na anyo Ng aking mundo Tawag nya'y pakinggan Puso'y buksan Takot ay pakawalan At subukang languyin Ang lalim ng aking pag-ibig At subukang alamin Ang pinahihiwatig ng Pusong nananabik Ika'y kumawala 'Wag ng mangamba Walang mawawala