Kishore Kumar Hits

Kithara - Tanging Hiling Ngayong Pasko lyrics

Artist: Kithara

album: Tanging Hiling Ngayong Pasko


Maaga nang lumalabas ang buwan
Nadadalas ka na sa isipan
Hindi ko rin maisip kung anong dahilan
Marami ring tanong sa isipan
Lumalamig ang hangin sa gabi
Mahihigang wala ng katabi
Pag-iwan mo sa akin ay hindi madali
Iniisip kung babalik muli
Ngayong pasko may darating na pangako
Sa mundo at sa mga pusong nabigo
May bagong buhay at ligaya
Baka may pag-asa pa sa ating dalawa
Pinipilit ng pusong sumaya
Ngunit sa isip, tayong dalawa
Sa Noche Buena ay hindi ka na kasama
Nagbabakasakaling dumating ka
Ngayong pasko may darating na pangako
Sa mundo at sa mga pusong nabigo
May bagong buhay at ligaya
Baka may pag-asa pa sa ating dalawa
Ngayong pasko may darating na pangako
Sa mundo at sa mga pusong nabigo
May bagong buhay at ligaya
Baka may pag-asa pa
Baka may pag-asa pa
Baka may pag-asa pa sa ating dalawa
Tanging hiling ngayong pasko'y pag-asa
At sa huli maging tayong dalawa.

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists