No'ng tayo'y unang nagtagpo Nahulog agad sa 'yo Araw-araw, ako Nag-iisip pero 'di matanto Giliw, ano ba ang meron sa 'yo? Diyamante ka ba o ginto? Rehas patungo sa puso mo Lalakbayin kahit sarado Pero bakit ba hindi makagalaw? Irog, ako ay iyong pinukaw Ngunit hanggang tingin na lang ba? Torpe ako, pasensya ka na ♪ Isang daang araw, tinatago Ang aking munting regalo Tsokolate at rosas, agimat Na may ukit ng pangalan mo Pero bakit ba hindi makagalaw? Irog, ako ay iyong pinukaw Ngunit hanggang tingin na lang ba? Torpe ako, pasensya ka na ♪ Ngunit hanggang tingin na lang ba Torpe ako, pasensya ka na