Kishore Kumar Hits

Kenyo - Tadhana lyrics

Artist: Kenyo

album: Maharlika


Sino bang mapagbiro
Tadhana ba o Tayo?
Ewan ko, ewan ko
Ewan ko, ewan ko
Ang gulo, ang gulo, ang gulo
Minsan ka lang pumorma
Bigla pang uulan, naistranded sa daan
Nakalimutang tumaya
Bigla kang tatama, sa Lotto at sakla
Minsan ka lang magsalita
Biglang mauutal dila'y masasakal
Sino bang mapaglaro?
Tadhana ba o tayo?
Ewan ko, ewan ko
Ewan ko, ewan ko
Gumising ng maaga
Todo bongga ang buhok
'Yun pala'y walang pasok
Oh kay tagal mong tinayo
Biglang magigiba, sinundan pa ng baha
Kung sino pang nagmamahal
Siya pang nasasaktan, lagi pang iniiwan
Sino bang mapagbiro?
Tadhana ba o Tayo?
Ewan ko, ewan ko
Ewan ko, ewan ko
Minsan ka lang lumaban
Biglang mabubugbog, mukha'y lamug lamog
Ang dalang mong maligo
Biglang walang sabon, walang tubig maghapon
Ikinasal ka nung Linggo
Tsaka mo nalaman na ang tunay mong mahal
Ay mahal na mahal ka pa rin ngayon
Hindi lang nasabi sa'yo
Ewan ko, ewan ko
Hay nako, ewan ko
Ang gulo, ang gulo, ang gulo
Ang gulo ang gulo, ang gulo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists