Kishore Kumar Hits

Kampon - Pulang Talim - Live at Mow's lyrics

Artist: Kampon

album: Pulang Talim (Live at Mow's)


Malapunyal ang iyong mga salita
Kampilan na pula at nagliliyab
Walang kapantay, brilyong gabay
Hanggang tagumpay taglay
Kailanman ang talim ay hindi napupurol
Amoy ko pa ang gintong palayan
Ang daloy ng tinig mo naririnig
Tamis ng sinag ng nakaraan
Ngayon ang nangingibabaw ay lansa ng dugo
Bigla na lang sila dumating
May pangil ang baluktot na ngiti
"Luhod!" Ang una nilang hiling
Ika'y tumindig
Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala!
Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala!
Malapunyal ang iyong mga salita
Kampilan na pula at nagliliyab
Walang kapantay, brilyong gabay
Hanggang tagumpay taglay
Ang talim ay hindi napupurol
Ang iyong mga salita kailanman ay hindi napupurol
Sa kanilang harapan ika'y tumayo at hindi na muling lumuhod
Hindi na muli luluhod
Malapunyal ang iyong salita
Kampilang pula at nagliliyab
Walang kapantay, brilyong gabay
Hanggang tagumpay
Hanggang tagumpay taglay
Alam kong hindi madali ang maningil ngunit
Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists