Kishore Kumar Hits

Kampon - Iluminasyon lyrics

Artist: Kampon

album: Sa Lumang Daan


O aking minamahal,
Hanggang kailan ka ba maglalakad sa panaginip ng mga gising?
Sa daigdig na iniluwal ng iyong ulirat upang
Itago ang dibinidad sa loob ng mortal na katawan
Buksan mo ang iyong mata, ikaw na nahihimlay
Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman
Sa landas na walang wakas
Sa konseptong hindi mabatid
Anyong higit pa sa anyo
IMORTALIDAD!
Iluminasyon ng bathalang mortal
Ako ang tanglaw, ako ang tanglaw
Iluminasyon ng bathalang mortal
Ako ang tanglaw, ako ang tanglaw
Hindi mo ba naaalala ang aking mukha?
O, kay tagal mo ng nahihimbing sa loob ng iyong balat
Sisidlan! Sisidlan lamang ang mortal na katawang hindi mo mabitawan
Tuklasin mo akong muli, Tuklasin mo ako sa dilim
Ako ang katotohanan sa likod ng iyong kamalayan
Buksang mo iyong mata, ikaw na nahihimlay
Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman
Sa landas na walang wakas
Sa konseptong hindi mabatid
Anyong higit pa sa anyo
Ang huling pagtawid ng kaluluwa
Patungo sa bulwagan ng kahariang walang katapusan
Ako ang tatayong gabay sa landas na walang makatahak
Sundan mo ang aking yapak patungo sa walang hanggan
At maging ganap muli, at maging ganap
Ako ang daan, ako ang liwanag, ako ang Kristong itinago mula sa mundo
Ako ang serpyenteng siyang
Magbubukas sa kamalayan ng buong sangkatauhan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists