Dalawa ang kaharap mo ngayon Isang umuurong, isang sumusulong Ano na nga ba ang iyong gagawin? Pagharap sa salamin Umiiwas sa'king kahapon (sa'king kahapon) Umiiwas sa mga ala-ala (umiiwas) Kailan may 'di babalikan (di babalik) Mga ayoko nang maalala (ayoko na) Ngayon ako'y naririto (naririto) Ngayon ako'y nalilito (litong-lito) Tutuloy ba 'ko o hihinto? (O hihinto) Ano na nga ba ang gagawin ko? Sabi nga nila, maraming namamatay sa akala Mukhang tama kanilang hinala 'di makapaniwala Kasi kahapon lang, magkakasama kami Parang kahapon lang, nandito sila sa'king tabi Parang kahapon lang, ako ang pinakamagaling 'Yon pala, walang-wala pa sa katiting Ng tunay kong landas na sa'ki'y nakalaan Sa kasaysayan, may papel akong dapat gampanan Hahanap ng lakas loob at nang katapatan Dapat 'di ka magpapataob sa harap nang iyong kalaban Susugurin ba ang bukas o iiwas ka nalang? Sa larong ito ng buhay ay walang iwanan Dalawa ang kaharap mo ngayon Isang umuurong, isang sumusulong Ano na nga ba ang iyong gagawin? Pagharap sa salamin (ano ang gagawin pagharap sa salamin?) Ang tagumpay, nakasalalay sayo Ang kahapon, ngayon, at ang bukas mo (bukas mo) Tanggapin mo Harapin mo Pag-isahin mo sila Pagharap sa salamin Oh ano, ano nang gagawin mo? Alam mo ba ang gagawin mo? Pagharap sa salamin Oh ano, ano nang gagawin mo? Walang haharang sayo, kung 'di sarili mo Patutunayan mo nga ba sa sarili mo? Na, kay rami nang manlalaro ngunit ikaw ay iba Sa kanila, sa dami ng iyong karanasan Panahon na para ang nakatago ay 'yong buksan Yakapin mo ng mahigpit ang katotohanan 'Yung tao diyan sa salamin, tol kakampi mo yan Huwag kang pumayag ibangko ang iyong kakayahan Ituloy mo ang laro, liga ng buhay mo 'yan Ito na ang pagkakataon mong malampasan Ang mga tinatakasan mo sa iyong nakaraan? Mga multong ala-ala na gumagapos sa'yo Ngayon malaya ka na at walang makakapigil sa'yo (sugod na) Kahit sino pa 'yan, aking lalabanan (sulong na) Tayo'y lalabanan ng may buong tapang 'di papatalo (hindi) Lahat ibibigay upang manalo (Barangay 143) Tuloy ang laro Liga ng buhay ko 'to Dalawa ang kaharap mo ngayon Isang umuurong, isang sumusulong (ngayon susulong ako) Ano na nga ba ang iyong gagawin? Pagharap sa salamin (alam ko ang gagawin ko) Ang tagumpay nakasalalay sayo Ang kahapon, ngayon, at ang bukas mo Tanggapin mo Harapin mo Pag-isahin mo sila Pagharap sa salamin Tanggapin mo ang hamon Ang hamon na huhubog sayo Pagharap sa salamin Tanggapin mo ang hamon Ang mismong hamon na huhubog sayo Pagharap sa salamin