Sa panaginip ko, ikaw ang nakakasama Sa bawat agos ng salita, dala ang damdamin kong sawa Pikit-matang titingin sa patay na bituin Sana pigilan sandali ang sandali upang takasan lahat ng takot ko ♪ Sa araw-araw ko, ikaw ang nakakausap Ang luha kong nag-aabang, laman ang tinagong kalungkutan Pikit-matang dadalhin, kapayapaan hihingin Paano ba pigilan ang ikot ng mundo? Sa awiting 'to, may magtataka Kung magbago man ako, 'wag sanang umalis Panalangin ko, iwanan ninyo ako Dapat bang matakot sa sariling multo? Panalangin ko, iwanan ninyo ako Dapat bang matakot sa sariling multo? (Sa sariling multo) ♪ Sa araw-araw ko, ikaw ang nakakalaban Ano man dakong puntahan, sabay tayong mahihirapan 'Wag ka sanang bumitaw, bantayan bawat galaw Nang hindi magtampisaw sa lungkot at luha ng ulan Panalangin ko, iwanan ninyo ako Dapat bang matakot sa sariling multo? Panalangin ko, iwanan ninyo ako Dapat bang matakot sa sariling multo? ♪ Tama bang itago 'to? Sana magising na 'ko Tama bang itago 'to? Sana magising na 'ko Tama bang itago 'to? Sana magising kayo Tama bang itago 'to? Sana mapansin n'yo ako ♪ Panalangin ko, iwanan ninyo ako Dapat bang matakot sa sariling multo? Panalangin ko, iwanan ninyo ako Dapat bang matakot sa sariling multo? (Sa sariling multo, sariling multo) (Sa panaginip ko, ikaw ang nakakasama)