Katulad mo rin ba akong hindi makatulog? Paikot-ikot ang isipan ko Lumalamig na ang gabi, 'di ko pinapansin Hanggang ngayon, aking tinatanggi Bakit ba ang puso ko'y nagpupumilit na labanan Ang pag-ikot ng orasan? Gusto kong pigilan ang ulan Nagpapaalam na ang tag-araw Nagluluksa ang tulad kong hindi natatanggap Ang panahong lumilipas Paalam, tag-araw Katulad mo rin ba akong hindi mapakali? May bagyo sa aking damdamin Nagtatagal na ang gabi, 'di ko pinapansin Hanggang kailan kaya magkukubli? Bakit ba ang puso ko'y nagpupumilit balikan Ang kahapong 'di na matanaw? Gusto kong pigilan ang ulan Nagpapaalam na ang tag-araw Nagluluksa ang tulad kong hindi natatanggap Ang panahong lumilipas Paalam, tag-araw ♪ Gusto kong pigilan ang ulan Nagpapaalam na ang tag-araw Nagluluksa ang tulad kong hindi natatanggap Ang panahong lumilipas Paalam, tag-araw Paalam, tag-araw Paalam, tag-araw