Sinikap kong hangga't maaari Ika'y makapiling ko ngayon Ngunit hinihiling ng pangyayari Hinihingi ng panahon Na sa sandaling ito Ako'y malalayo sa 'yo Sa pangungulila't kalungkutan Maraming salamat 'di mo nalimutan Kahit ako ay malayo Ikaw ay malapit sa aking puso Kahit sa'n mapadako Laging kapiling ko ang mga sulat mo ♪ Ang lagi kong dinadalangin Ika'y pagpalain niya tuwina Hanggang sa tayo'y pagsamahin Hanggang ako'y makauwi na Sa kupas na sulat mo Mababakas ang luha ko At sa alaala't agam-agam Maraming salamat sa 'yong mga liham Kahit ako ay malayo Ikaw ay malapit sa aking puso Kahit sa'n mapadako Laging kapiling ko ang mga sulat mo ♪ Kahit sa'n mapadako Laging kapiling ko ang mga sulat mo (Laging kapiling ko) Ang mga sulat mo (Laging kapiling ko) Ang mga sulat mo