Bulag sila sa mga pahirap Na iyong nararanasan 'Di nila naiintindihan At may mga nagbibingi-bingihan Sa mga kasinungalingan 'Di kaya sila ay bayaran? Kamatayan at sakit Kalayaan ay nagigipit Lupa at dagat natin ay 'pinagsasanla Kapatid, 'di pa ba nagsasawa? Tumatakbo ang metro 'Wag ka nang muling magpapalinlang Sa pangakong pinako Mga abuso sa kapangyarihan At maling pamamalakad Ang sagabal sa kaunlaran Walang pinuno ang hindi marunong Lutasin ang mga problema Ito'y panata nila sa bayan Simulan ang pagbabago Sa isang pinuno Na may pagmamalasakit at paninindigan Panahon na upang Imulat ang mata sa katotohanan Pandemya at kawalan ng kabuhayan Asa'n na ang nawawalang lupa't pera? Bagsak ang ekonomiya 'Di ka ba nagtataka? Pinunong may talino Puso at tapang Ito ang kailangan ng ating bayan Kapatid, 'di pa ba nagsasawa? Tumatakbo ang metro Isa lang ang iyong pagpipilian Pangulo ba o panggulo? Pangulo ba o panggulo? Pangulo ba o panggulo? Pangulo ba o panggulo? Pangulo ba o panggulo? Pangulo ba o panggulo?