Kilala niyo na ba ako? Ano na naman 'tong deliryo? Dapat bang matuwa O dapat malumbay? Sige lang nang sige hangga't mapanis ang ngiti Tuloy ang ligaya, sige mangiliti Handa ka na ba para tanggapin ako? Tatawanan niyo ba ang isang payaso? ♪ Hindi naman maangas Hindi rin totoo Kapag may maskara ang tao Marami siyang matatago Trabaho niya'y tumawa pero gusto ring umiyak Sa gusto niya't hindi, sila'y magagalak Handa ka na ba para tanggapin ako? Tatawanan niyo ba ang isang tulad ko? ♪ Hindi na baguhan Sa pagkukunwari Manhid na siya sa lason Lason ng ngiti Eskapo niya 'to sa hirap At sa sakit ng mundo Realidad niyang ito Binibigay sa 'yo ♪ Ikaw at ako May mga maskara din tayo Kamandag ng katotohanan Ang siyang lalaya sa isipan