Unti-unting gumagalaw Kanyang matang nakatanaw Sa isang ngiting walang saya Nagtatanong, nagtataka Bakit ba ganito? Tinapos sa gulo Wala na rin bang halaga Ang yakap at halik niya? Dati'y hinahanap pa Ngayo'y tinataguan na Bakit ba ganito? Tinapos sa gulo Mahalin mo na lang kahit kunwari Dalangin niyang nakatingin sa langit Naubos na ang sandali ng buhay niya na kasing gulo Ng isang pelikulang wala namang istorya Natapos nang ikaw na lang ang bida 'Di man lang nasabi na mahal na mahal mo s'ya La-la-la-la ♪ Ang hawak mong kasing lamig Ng huling halik sa kanyang bibig Bakit ba umiwas ka Sa huling tanong na mayro'n siya? Unti-unting nalilito, naiinis sa kuwento mo Daig niyo pa ang TV ko Mahalin mo na lang kahit kunwari Dalangin niyang nakatingin sa langit Naubos na ang sandali ng buhay niyang kasing gulo Ng isang pelikulang wala namang istorya Natapos nang ikaw na lang ang bida 'Di man lang nasabi na mahal na mahal mo s'ya Mahal na mahal mo s'ya, ah-ah Naubos na ang luha niya Pikit na ang kanyang mata Kanina'y nakatitig pa Sa larawan mo na yakap niya Mahalin mo na lang kahit kunwari Dalangin niyang nakatangin sa langit Naubos na ang sandali ng buhay niyang kasing gulo Ng isang pelikulang wala namang istorya Natapos nang ikaw na lang ang bida 'Di man lang nasabi na mahal na mahal mo s'ya Mahalin mo na lang kahit kunwari Dalangin niyang nakatingin sa langit Naubos na ang sandali ng buhay niyang kasing gulo Ng isang pelikulang wala namang istorya Natapos nang ikaw na lang ang bida 'Di man lang nasabi na mahal na mahal mo s'ya Mahal na mahal mo s'ya Mahal na mahal mo s'ya, ah-ah