Patungo sa iyo 'Di alam kung sa'n ako pupunta 'Di alam ang gusto 'Di alam Pa'no nga ba? 'Di na ko makagalaw Oh Oh, kung 'di para sa atin ay 'di na rin aamin Kung 'di para sa akin ay 'di na rin Oh, kung 'di para sa atin ay 'di na rin aamin Kung 'di para sa akin ay 'di na rin (Oh) tama ka nga 'Di ko na karapatang tanungin kung mayro'n nang iba 'Di na rin dapat itanong sa umaga kung kumain ka na ba 'Yan na ang ating pasya Tawag at text ay dapat nang iniinda Pasensya na, gano'n lang talaga 'pag sanay laging kasama ka 'Di ko na saklaw ang mga bagay na ito 'Di kita pag-aari at lalong hindi naging sa 'yo Aalagan pa rin kita sa malayo 'Yung tipong kaya ka pa ring tanawin Kahit ilang pulgada man ang siyang abutin Itong mayro'n tayo'y 'di ka na kaya pang sagipin 'Di na rin para nga ako'y umasa pa Na sati'y may posible na mangyari pa Sa hangin, ang damdamin ay dinadala 'Tang inang pag-ibig 'to, nakakatanga 'Di na rin para nga ako'y umasa pa Na sati'y may posible na mangyari pa Sa hangin, ang damdamin ay dinadala 'Tang inang pag-ibig 'to, nakakatanga Oh, kahit anumang gawin ko ay 'di eepekto 'Yan ang galit sa puso mo Ano ba talaga? Gusto pero may iba? 'Yoko nang maramdaman, pinipilit, bakit ba ganyan? Wala nang kamustahan kahit magka-ilangan Balang araw ay akin ding matututunang Kalimutan ang lahat, parang bago na aklat 'Di ka na basa, isa kang alamat Igihan man sa dalubwikaan ay walang mabubuklat Patungo sa iyo 'Di alam kung sa'n ako pupunta 'Di alam ang gusto 'Di alam (oh) Kahit saan ako tumingin Alaala ng mukha mo lang ang kayang tanawin 'Di na kita tatawagin at hahanapin Sarili ko na muna ang aking mamahalin Pero kahit saan ako tumingin Alaala ng mukha mo lang ang kayang tanawin 'Di na kita tatawagin at hahanapin Sarili ko na muna ang aking mamahalin Kasi ('di na rin para nga ako'y umasa pa) Lahat ng bagay na pinipuwersa Madalas na nasisira Kaya tatagay na lang sa bahay Baka sakaling 'di na makikita Ang alaala ng mukha mo Masasayang nakaraan na ginawa mo Pa'no pa 'ko lalaban kung 'di ka lalaban? Eh, ano pang magagawa ko? Alam ko na kung bakit ka nag-iba 'Di na kita hahabulin kung kakapit sa iba Malamang mahihirapan na 'ko neto mag-isa Nasanay na rin kasi ako na kasama kita Takot ako sumugal, pero sa 'yo pumusta 'Wag ka mag-alala, 'di na ko mangangamusta Kaya 'wag mo na sana 'kong paasahin pa 'Tang ina kasi dati, 'kala ko akin ka