Kishore Kumar Hits

Alisson Shore - Lakan lyrics

Artist: Alisson Shore

album: Lakan


Kinikilig, habang nakatingin sila
Sa'tin kasi magkadikit ating muka oh
Mga bibig, nati'y pareho ang buka
Ramdam ang init, ng hininga at iyong buga
Iyong amoy, binabalik-balikan
Kapag ikaw ay wala
Damit mo'y hinahalikan
Oh aking Lakambini
Ako ang iyong Lakan
Aking paglalambing
Talagang sayong-sayo lang
Ang ganda mo'y hindi ko na makukubli
Pag-ibig ko sayo'y hindi mabibili
Ito'y handog na 'di kailangan ng sukli
Ako' y handang magpa-alipin at mas susulitin
Punta kahit saan man ang iyong bibig
Basta sa'kin ka lang papanhik
Ito'y bigay at 'di kailangan ng balik
Lbig kong sabihin, sa' kin ka lang hahalik
Sa'yo lang, magpakailanpaman
Pangakong 'di ka na masasaktan
Kahit na, wala akong kalagyan
Kung' di rin lang ikaw, ay para san?
Dinadaan-daanan ka nila
Kahit libre ang alok
Kasi 'di nila makita
Kung ano ang iyong handog
Walang sinabi' yung mga teatro na Nagkalat sa Escolta
Ikaw ang kapitolyo at
Ako ang sampaguita
Ibuburda ang pangarap kahit
Malakas pa ang ulan
Dahil tanging nais lang
Pag-ibig mo'y maambunan
Kahit bagyo pa man yan
Salantahin at gibain
Hindi mapipigilan
Kaya pwede ba na malaman
Kung anong kinalaman
Ng aking pangalan
Sa nadidinig, baka ay bulaan
Lapit ka dito, 'wag iiling
Lakad bagito, he' to piring
Hiling ng langit, ay tutuparin
Hiling ng langit ay tutuparin
Sa'yo lang, magpakailanpaman
Pangakong 'di ka na masasaktan
Kahit na, wala akong kalagyan
Kung' di rin lang ikaw, ay para san?
Sa'yo lang, magpakailanpaman
Pangakong 'di ka na masasaktan
Kahit na, wala akong kalagyan
Kung' di rin lang ikaw, ay para san?
Sa'yo lang, magpakailapaman
Pangakong 'di ka na masasaktan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists