Elementarya pa lamang ako, madalas nang makantiyawan
'Pagkat isa ako sa mga walang-wala sa paaralan
Pumapasok nang walang kain, may bitbit pang mga pasanin
Habang suot uniporme kong dalawang araw nang labahin
Walong taon pa lang ang edad, 'yan ang taglay kong abilidad
Mga kaklase patungong klase, ano paraan? Hinatid ni Dad
Habang ako, ayon, naglalakad, sinusuong kahit ano'ng kalamidad
Sinasambit ang lagi kong dasal kay God, "Ako din po, sana bigyan"
"Panginoon, bakit gano'n? Mula noon hanggang ngayon
Kahit magsikap, bakit sa hirap pa rin ako laging baon?"
'Yan ang aking laging tanong, kaya lumaban, 'di nagpatalo
Desperado, 'di lang ganado 'pagkat nalaman kong galing ka do'n
Magkaama, 'yan ang pangarap kong madama
Ang alaala ko na lang sa kanya, pangalan ko na dala (ko na dala)
Pero ni minsan, 'di ko naisip na magpatalo sa pagkalumbay
Salamat, Panginoon, sa lakas ng loob para abutin ang tagumpay
Alam mo ba'ng isang dahilan kung ba't mga mata nati'y nasa harapan?
Para 'di na natin balik-balikan, mga pangit na nangyari sa nakaraan
Abante, balewalain ang mga paninira ng iba, ngayon lang 'yan
'Pag naabot mo na, proud din 'yang mga 'yan, kilala ka nila, 'di ba?
Gawin mo lang tama mga gusto mong gawin
Madilim nga lang kung kakatanim lang, 'tol, tutubo ka rin
Lahat ay nagdaan sa hagdan para ang pangarap makamtan
Madalas, nasa daan ang hadlang, dapat laparan ang hakbang
'Di mapapasa'yo ang buong premyo kung aasa lagi sa iba
Kakarampot lang na balato ang makukuha mo lang sa kanila
'Wag mong hayaang may masayang ka na pagkakataon
Kung ano'ng pangarap mo noon, dapat and'yan ka na ngayon
Dating araw na lubog, ngayon, umahon at sumikat
Dating maghapon tulog, ngayon, bumangon at dumilat
Nilisan panandalian ang aking pinanggalingan
Malayo ka sa pamilya, masakit na tanggapin 'yan
Pero ayos lang, kaysa wala 'kong mapala
'Di na sa 'kin bago madapa kahit ga'no kalala
Pagdating ko, nakatingin lahat, "Uy, bago sa mata"
"Rapper din po ako, mga sir, 'di lang ga'nong halata"
Lalamunang namamaga na lalo pang lumalala
Hangga't walang napapala, malabo 'to na madala
Dibdib na nadadaga, pinasindak ng babala
Hilahin man nang pababa, tuloy pa rin ang pagdada
'Di na maliligaw kahit ga'no pa karaming pagdaanan
Ako'y handa, buong loob, sino man ang aking makalaban
Minsan na ring nalito, lumiko ang landas
Mas lalo lang akong nadapa nang lumingon pa sa past
Kaya ngayon, lahat ng mali ko, napupuna 'ko
Salamat, karanasan, sa wakas, natuto na 'ko
Sa buhay, mas masakit, malala, mas mahirap na karanasan
'Pag nasanay ka, sa susunod, madali na lang 'yan lampasan
Kalimutan mo lahat ng kumalimot sa 'yo
'Pag kilala ka na, lalapit sila, "Sino ka, bro?"
Mga masama't malala't mga mabuting karanasan mo
Ang huhulma sa 'yo kung sino ka ngayong araw na 'to
Para mabuhay lang ako, pinapatos na lahat
Walang pakialam maski pinapaltos na balat
"Mararating mo rin, Geo, 'wag ka lang masyadong atat"
'Yan ang sabi sa 'kin ng Diyos na pinaka-boss sa lahat
♪
"Mararating mo rin, Geo, 'wag ka lang masyadong atat"
'Yan ang sabi sa 'kin ng Diyos na pinaka-boss sa lahat
Поcмотреть все песни артиста