Sa buhay ng tao ay normal lang naman sumabit Kung sumabit ka, sana naman 'wag nang gumamit Pipilitin ngumiti kahit halatang balisa Pakiramdam mo ikaw ang palaging nasa gitna Maya't maya ang iyong tingin sa iyong kanan at kaliwa 'Di makatulog kahit maghapon ka nang nakahiga Tipong 'pag kargado ka, 'di ka pwedeng mabigla Matapik ka lang ng konti, ika'y ready mandigma 'Di ba tama kung iisipin 'di astig ang tama? 'Di na nga tama nangyayari gumagawa ka pa ng 'di tama Maling-mali 'yan at kailanman 'di magiging tama Ang magiging tama mo lang d'yan, tamang hinala Kahit anong hithit mo d'yan walang hiwagang mangyayari Maniwala ka mas lalo lamang lalala 'yan, pare Wala, wala, wala, walang mapapala Mas lalo lang 'yan lalala 'pag hindi ka nakawala Sinalakay ng QCPD Station 6 ang isang bahay Sa Sitio Kumunoy, Bagong Silangan, Quezon City kagabi Ito'y matapos magpositibo ang kanilang impormasyon Kaugnay ng ilegal na droga Arestado si alias Otet na nakunan pa Ng ilang sachet ng shabu at mga paraphernalia Dose anyos na batang babae, nagbebenta ng puri Sa mura niyang edad, ang dami na niyang suki "Bakit mo ginagawa yan iha?", "Para kay mama" "Para hindi na sila mag-away pa ni papa" Anong klase kang magulang, kinaya mo 'yon? Sabog ka! Habang anak mo hinahalay doon Tama na tulog-tulugan, gumising na kayo Ginagawa niyo na lahat, makabili lang ng shabu Pagnanakaw, panghoholdap at pangbubugaw Ba't giyang na giyang na ang mundo parang gugunaw? Ubos na ang mga ngipin at ang lalim na ng mata 'Di ka ba pwedeng kumalma, bakit ka laging taranta? Pa'no na 'yong mga anak niyo 'pag nagka-tokhangan? Makikita kayong may karatula na 'wag tularan Alam kong kaya niyo pa, kaya niyo pang lumaban May plano ang Diyos sa inyo, 'wag niyo lang pangunahan Sa isang gabi po, sampu na mga lalaki customer ko Ang kinikita ko po, binibigay ko po sa papa ko Nag-aaway po sila dahil sa shabu Nag-aano sila sa pera para pambili ng shabu Nakukulangan pa sila Bakit kailangan mong magtrabaho sa ganitong paraan? Para po magkaroon ng pera pambili ng shabu Binulag ng kaaway ang iyong paningin 'Di mo nakita ang liwanag, masyadong madilim Ika'y lumapit, inakit sa umunoy ng kasalanan Habang nagkakasiyahan 'di mo namamalayan Na ikaw pala'y nasa puder ng kasamaan At wala na silang balak pang ika'y pakawalan Lalong 'pag kinapos at naghikahos, lapit sa Diyos Dahil ang pag-ibig niya sa atin ay laging taos Aming Amang hindi mapanghusga, kailangan kita Tulungan po ninyo akong maisalba sila Ang buhay ay umiiksi, hindi yan humahaba Lahat tayo tumatanda, hindi ka bumabata Mahirap ang buhay kung iisipin mong mahirap Kaya kahit tinatamad, pipilitin kong magsikap Kahit anong sitwasyon basta tama ginagawa mo 'Wag matakot sa mga sasabihin ng ibang tao sayo