Napakarami na sa'ting rumerespeto lang sa pera Kapag walang laman ang bulsa, itsapwera Matagal ko nang alam na hindi patas ang karera Sa mundo ng papel at barya nakakadena Anong palagay ng makati ang kamay Ang bibilis nilang kumilos kapag merong lagay 'Pag wala kang mabigay, mabagal at matamlay Walang pake kahit mangawit ka sa kakaantay Bakit ka aasikasuhin, mayaman ka ba Mumurahin lang suot mo tapos mukha kang paa Sumisingkit, sumusingit ang mga mata Kakapkapan ka mula taas hanggang sa baba 'Pag mayaman ang dating laging importante 'Wag niyo nga kaming gawing mga ignorante Kailangan pang magsuot ng malaking diyamante Nababayaran kada respeto niyo parati May bago kang damit, magkano S'an ka nagpagupit, magkano Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao Sige, magkano Binabago ang pagkatao 'Pag tinanong ng magkano Halos lahat nakikinig Yung iba nanginginig 'Pag tinanong ng magkano Wala kang kwenta, 'yan ang madalas maramdaman Lalo na 'pag ang bulsa mo ay nawalan na ng laman Kailangan ko raw masanay sa ganitong kalakaran Na salapi palagi ang may hawak ng patakaran Itatrato ka nila na parang walang halaga Hindi pantay ang mundo, masasaktan ka talaga Sino ang nasa ibabaw, nakakapagtaka ba Sa pag-akyat mo sa hagdan mangangapa-ngapa ka pa 'Kakakaba pero kailangan kong lakasan 'Pag inapakan subukan mo munang 'wag palagan Maraming titira sa'yo, kailangan mo lang tatagan Digital na yung karma, lagi mo 'yang tatandaan May mga tao pa rin na may respeto pa Kaso nga lang yung iba ay may presyo na Hindi ko na tatanungin kung magkano ba Ayoko kasing bumili, baka magbago pa May bago kang damit, magkano S'an ka nagpagupit, magkano Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao Sige, magkano Binabago ang pagkatao 'Pag tinanong ng magkano Halos lahat nakikinig Yung iba nanginginig 'Pag tinanong ng magkano May bago kang damit, magkano S'an ka nagpagupit, magkano Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao Sige, magkano Binabago ang pagkatao 'Pag tinanong ng magkano Halos lahat nakikinig Yung iba nanginginig 'Pag tinanong ng magkano