Naaalala mo pa ba Nu'ng magkasama tayong dalawa? Kahit sa problema, may masayang eksena Parang pelikula na mayro'ng magandang tema Nakakainis ka Nakakainis na Iniisip ko pa rin 'yung mga kapit mo sa 'kin Biglang dumating kahit 'di ko pinanalangin Wala nang hiling Wala na 'kong hiling 'Pag tinawagan ay nand'yan ka Sinamahan 'pag mag-isa 'Yung dating laging masaya Ay bigla na lang nag-iba Pero bakit ba iniwan mo 'kong mag-isa? Kahit nasa'n ka Mag-iingat ka Kahit nasa'n ka Mag-iingat ka Malayo, malapit Saksi ang langit Nanghihinayang Pero walang galit Kaya nga, kahit nasa'n ka Mag-iingat ka Dati, sabi natin sa isa't isa, walang susuko (woo) Nasayang lang naman pala lahat ng mga luhang tumulo Sa pag-ibig, marami nang napasubo Niluwa nu'ng iba nu'ng 'di masarap ang luto Matalino man 'yung iba dito Mas marami pa din ang hindi pa natututo 'Di ko na matandaan kung nasaan Pagmamahalan lamang ang tamang daan Ayoko nang hanapin pero nand'ya-d'yan Pinilit buksan, wala namang laman Sumugal kahit ano'ng kalabasan Parang tattoo na kahit masakit, tiisin mo lang Malalim ang sugat, sige, didibdibin mo 'yan Mainit 'yan na para kang sinisindihan Alam ko naman na hindi palaging masaya Mararanasan kung bakit ang pait ng ampalaya Ang palayain kita, 'kala mo ba, ganu'n kadali? Marami nang tumulong luha dahil sa mga mali Lumuluha sa likod 'pag kaharap, nakangiti Binabalanseng lumakad sa mundong nakatabingi Mahirap kapagka mag-isa ka, nakakabingi Maaalala mo lahat ng nakaraan n'yo kasi, kasi 'Pag tinawagan ay nand'yan ka Sinamahan 'pag mag-isa 'Yung dating laging masaya Ay bigla na lang nag-iba Pero bakit ba iniwan mo 'kong mag-isa? Kahit nasa'n ka Mag-iingat ka (mag-iingat ka) Kahit nasa'n ka Mag-iingat ka Malayo, malapit Saksi ang langit Nanghihinayang Pero walang galit Kaya nga, kahit nasa'n ka Mag-iingat ka