Totoo pala ang sabi nila Na kapag nawala na siya Ikaw nama'y makukulong Sa mga pagsisisi at mga gunita Pa'no ba babalik ang aking ngiti? Nais ko nang kumawala Kailangan ko ba talagang kalimutan? Baka pwedeng akin na lang ang alaala? Ngunit pa'no maghihilom ang puso ko Kung sa bawat panaginip ko'y ikaw pa rin? ♪ Totoo pala ang sabi nila Na kapag umalis na siya Saka mo lang madarama Na ang mga pangako niyo'y wala nang bisa Pa'no ba babalik ang aking ngiti? Nais ko nang kumawala Kailangan ko ba talagang kalimutan? Baka pwedeng akin na lang ang alaala? Ngunit pa'no maghihilom ang puso ko Kung sa bawat panaginip ko'y ikaw pa rin? Ikaw pa rin Totoo pala ang sabi nila Na ang lahat ng kwento Kahit atin ay natatapos din