Kishore Kumar Hits

Raffy Calicdan - Babalik Ka Na lyrics

Artist: Raffy Calicdan

album: Babalik Ka Na


Hawak-hawak ang aking kamay
Nung tayo ay kailangan nang maghiwalay
Ang luha ay 'di mapigilan
Tila ayaw kong kumilos ang kamay ng orasan
At kahit tayo ma'y magkalayo
Tadhana natin ay 'di magbabago
Ano man sabihin ng mundong ito
Panghabang-buhay, ikaw lang at ako
Araw-araw nagdarasal na balang araw
Ikaw ay nasa harapan
Gabi-gabi nananaginip
Ako'y muli mong yayakpin ng mahigpit
Babalik ka na sa piling ko
Ilang araw na lang mahahawakan kang muli
Babalik ka na aking mahal
Masisilayan kong muli ang yong ngiti
Sa 'yong pagbabalik, sa 'yong pagbabalik
Aking mahal
'Di na makapaghintay
Tibok ng puso ay sumasabay
O kay tagal ko ng nananabik
Sa piling ko ika'y muling magbabalik
Araw-araw nagdarasal
Na balang araw ikaw ay nasa harapan
Gabi-gabi nananaginip
Ako'y muli mong yayakpin ng mahigpit
Babalik ka na sa piling ko
Ilang araw na lang mahahawakan kang muli
Babalik ka na aking mahal
Masisilayan kong muli ang 'yong ngiti
Sa 'yong pagbabalik, sa 'yong pagbabalik
Babalik ka na sa piling ko
Ilang oras na lang makakasama kang muli
Babalik ka na aking mahal
Lunurin mo ako sa yong sa mga halik
Sa 'yong pagbabalik
Sa 'yong pagbabalik
Aking mahal

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists