Hindi ba't sabi mo, sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nand'yaan sa kabilang buhay? ♪ Masasayang mga araw na kasama kita Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama Na parang wala nang sisira ng lahat, ha Bakit pa dumating ang oras na ito? Nabalitaan ko na wala ka na 'Di ba't sabi mo, hindi mo 'ko iiwan? 'Di papabayaan na ako'y mag-isa 'Di ba't sabi mo, sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nand'yaan sa kabilang buhay? ♪ Paano na'ng lahat? Paano na ako, tayo? Hindi ba't sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap? Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam? Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na 'Di ba't sabi mo, hindi mo 'ko iiwan? 'Di papabayaan na ako'y mag-isa 'Di ba't sabi mo, sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nand'yaan sa kabilang buhay? Sa kabilang buhay Sa kabilang buhay Sa kabilang buhay 'Di ba't sabi mo, hindi mo 'ko iiwan? 'Di papabayaan na ako'y mag-isa 'Di ba't sabi mo, sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nand'yaan sa kabilang buhay? Sa kabilang buhay Sa kabilang buhay