Tala, tala, tala Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata Tala, tala, tala Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala Siguro nga, masyadong mabilis ang pagyanig Ng puso ko para sa puso mo Siguro nga, ako ay makulit, ayaw makinig Sa takbo ng isip, hindi ko maipilit Tila ako ay nakalutang na sa langit Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti At kung hanggang dito lang talaga tayo Hindi pababayaan ang daaang tinahak na kapiling ka At kung umabot tayo hanggang dulo Kapit lang nang mahigpit, aabutin natin ang mga tala Tala, tala, tala Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata Tala, tala, tala Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala Maaaring kinabukasan ay mag-iba ng Ihip ng iyong ninanais Ngunit maari bang kahit na pansamantala lang Ikaw muna'y maging akin? Tila ako ay nakalutang na sa langit Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti At kung hanggang dito lang talaga tayo Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka At kung umabot tayo hanggang dulo Kapit lang nang mahigpit, aabutin natin ang mga tala Tala, tala, tala Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata Tala, tala, tala Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala ♪ Tala, tala, tala Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata Tala, tala Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala