Ginawa ko naman ang lahat Sumugal ako kahit alam kong talo Iginugol ko lahat ng oras ko sa 'yo Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal Pero parang wala lang sa 'yo ang lahat Ng mga paghihirap ko Sana'y 'di na lang kita nakilala Sana'y 'di na lang kita nakasama Sinaktan mo lang ako Sana'y 'di na lang kita minahal ♪ 'Di na sana nagising sa magandang panaginip Kung madaratnan ko lang ang umagang kay sakit 'Di na sana niyakap ang kunwari mong pagtingin Para 'di na ako nasugatan sa ginawa mong patalim Pero parang ayos lang sa 'yo ang lahat Kahit na ako'y sugatan Sana'y 'di na lang kita nakilala Sana'y 'di na lang kita nakasama Sinaktan mo lang ako Sana'y 'di na lang kita minahal No'ng una kitang makilala, halos napakasaya ko Halos 'di maipinta ang mga ngiti sa labi ko 'Yung tipong sabay tayong naggo-"Good morning" sa isa't isa Sabay tayong nag-aalala, "Asa'n ka?", "Kumain ka na ba?" 'Yung lambing na hindi na tayo mapaghihiwalay Kaso lahat ng 'yon ay akala ko lang pala Dumating ang umaga na nagbago kang bigla 'Yung lambing? Pagmamahal? Tuluyan na ngang nawala Nasa'n na 'yung dating ikaw? Na kapag kasama ko, 'yung puso ko'y humihiyaw Mahal, kailan ka ba babalik? Miss ko na'ng iyong yakap at tamis ng 'yong halik Pero kung usapang pagbabalik, mukhang malabo na Dahil lahat ng pagkukulang ko, wala, eh, napunan na ng iba Sana'y 'di na lang kita nakilala Sana'y 'di na lang kita nakasama Sinaktan mo lang ako Sana'y 'di na lang kita minahal Sana'y 'di na lang kita minahal