Kishore Kumar Hits

BTDTbeats - IKAW lyrics

Artist: BTDTbeats

album: IKAW


Ikaw ang payong sa aking tag-ulan
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw
Tubig na malamig kapag uhaw
Ikaw ang payong sa aking tag-ulan
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw
Tubig na malamig kapag uhaw, oo, ikaw
Iyong natagpuang luhaan
Ngunit kahit gano'n pa man ay tinanggap mo
Ang pusong sugatan, parang may punit
Kinumpuni't inakap mo
Hindi ko rin alam ang 'yong nakita
Oh, aking binibini, baka nagkakamali ka?
Siguro malabo lang ang 'yong mata
O baka naman baliw ka na? Lasing ka ba?
Kasi laging sinasambit, "Mahal kita, paano nga ba makakabawi?"
Ano mang kuwenta ang gawin, panukli ko'y kulang pa rin
Panghabang-buhay, ikaw ang pag-ibig
Araw-araw kang liligawan kahit hanggang panaginip
Hinding-hindi magsasawa sa 'yo
Dahil ikaw ang sumagip sa nalulunod kong puso, ako'y iyo
Ikaw ang payong sa aking tag-ulan
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan (kapag luhaan)
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw
Tubig na malamig kapag uhaw (kapag uhaw)
Ikaw ang payong sa aking tag-ulan
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw (silbing ilaw)
Tubig na malamig kapag uhaw, oo, ikaw
Mga ngiti mo na nakakakiliti
Ikaw 'yung tipo ng babae na hindi humihindi
Kaya naman pagmamahal ko ay lalong tumitindi
Makatabi sa bawat gabi, sa kada pag-akap, halik ang ganti (ooh)
Oo, ikaw ang siyang nagbibigay ng saya na tila ba permanente (permanente)
Akalain mo 'yon, nakilala kita sa laki nitong kontinente? (Kontinente)
Mukha 'atang suwinerte, daig ang teleserye
Ang nadaramang galak, sa 'yo na nga nakadepende
Kung ikaw ang makakasama, handang magpatali
Ang sarap mong pagmasdan, para bang bahaghari
Gustong mamalagi sa piling mo parati
Kapag wala ka, puso ko lubusang nahahati
Dahil hindi ko na magagawa ang tigilan ka na mahalin
Bawat minuto at saka segundo, kasama ka, akin 'tong lalasapin
Paumanhin kung ito lamang ang kaya ko sa ngayon na gawin
Darating din ang araw na kaya ko nang ibigay sa 'yo ang bituin
Ikaw ang payong sa aking tag-ulan
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan (kapag luhaan)
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw
Tubig na malamig kapag uhaw (malamig kapag uhaw)
Ikaw ang payong sa aking tag-ulan
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan (kapag luhaan)
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw
Tubig na malamig kapag uhaw
Ikaw ang payong sa aking tag-ulan
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan (kapag luhaan)
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw
Tubig na malamig kapag uhaw
Ikaw ang payong sa aking tag-ulan (ikaw ang payong sa aking tag-ulan)
Ikaw ang panyong gamit kapag luhaan
Sa bawat tagdilim, ikaw ang nagsilbing ilaw
Tubig na malamig kapag uhaw, oo, ikaw
Oo, ikaw

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists