Kishore Kumar Hits

Max Importunate - Tinik lyrics

Artist: Max Importunate

album: Tinik


Kilala na kita hindi na kataka-taka
Sa kada lakad ko ay masaya kang mag-isa
Upang hindi ko madama
Kailangan ba na laging ako magpaparaya
Hindi alam ang nararamdaman napakadaya
Dati nang umasa na ika'y isang biyaya
Ngunit parang mali nagbago at hindi na tama
Oo tama ka tama na dapat na'tong itigil
Di sanay iba amoy ng punda kapag tahimik
Halo halong emosyon at puso natin nanggigigil
Makamit ang kalayaang satin ay magpapatigil
Sakit na nararamdaman ay dinaan lang sa ngiti
(Dinaan lang sa ngiti)
Di na baling paumaga basta sakin sa gabi
(Basta sakin sa gabi)
Yung bumbilya sa silid tuluyan nang napunde
Ating kandila nawalan ng sinde
Kung sigurado lang na tayong dalawa sa huli
Di na babalakin pang umuwi
Kilala na kita hindi na kataka-taka
Ang makita ka na parang kala mo nag alala
Sa kada lakad ko ay masaya kang mag isa
Nag dududa ka nalang upang hindi ko madama
Nasanay na ako na ganyan ka
Di mo na, binago, di ka man lang nag isip
Kung aalis mabuti pa, sige na
Nang mabunutan na ako ng tinik
Itinago ang ngiti
Bibig na ginagamit pag hinanap kiliti
San man mauwi, di ko na balak apakan
Ang basahang upang dumumi sa pag pasok sa tahanan
Amoy gimikan halatado sa'yong mukha
Mukhang para paraan ka sa tuwing nag wawala
Kung susugal ako bakit ko pa itataya ang
Sariling di pa pumalaot tumaob na ang bangka
Pano ba naman kase sawang-sawa na ako mag isip
Pag sumasabay yung galit sa inip
Masakit lang sa mata pag sinipat yung tag-init
Kakahanap mo ng butas, tayo na yung sumikip
Madalas na pag initan habang ang relasyon lumalamig
Kaya madalas di ako umiimik
Ayoko ng patagalin kung ikaw lang naman ang gustong manaig
Mahal kita kung aalis ka wag na sana bumalik
Kilala na kita hindi na kataka-taka
Ang makita ka na parang kala mo nag alala
Sa kada lakad ko ay masaya kang mag isa
Nag dududa ka nalang upang hindi ko madama
Nasanay na ako na ganyan ka
Di mo na binago di ka man lang nag isip
Kung aalis mabuti pa sige na
Nang mabunutan na ako ng tinik
Ya yah ah, Hmmmm Nang mabunutan na ako ng tinik

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists