Kishore Kumar Hits

Ben&Ben - Paninindigan Kita lyrics

Artist: Ben&Ben

album: Paninindigan Kita


'Kakainis na ayaw mong
Maniwalang mahal kita
Ano pa ba'ng kailangan kong
Patunayan sa 'yo, sinta?
Pero naiintindihan ko namang
Iniiwasan mo lang masaktan
'Di ka madedehado
Kung sasagutin mo lang ako
Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong-buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa 'yo
Paninindigan kita, oo
Ano mang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sa 'yo
Ika'y iingatan ko

'Kakakilig ka sa tuwing
Lumalapit ka na, sinta
Nawawala ang angas ko
Pilit man na itago pa
Mmm, grabe kasi kung pa'no mo 'ko itahan
Kapag napupuno na 'ko
Sa ingay ng paligid
Ikaw ang aking katahimikan
Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong-buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa 'yo
Paninindigan kita, oo
Ano mang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sa 'yo
Ika'y iingatan ko

Paninindigan kita, ah-ah-ah
Ah-ah-ah-ah-ah, ah-ah-ah-ah-ah
Sasamahan ka kahit na
Napapalibutan ng mga problema
Sa hirap at ginhawa
Dadamayan kita, sinta
Paninindigan kita, oo
Kahit alam kong tayo'y magbabago
Magmula umpisa hanggang dulo
Paninindigan kita
Paninindigan kita
'Wag kang mag-alala
Ako'y siguradong-sigurado
Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong-buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa 'yo
Paninindigan kita, oo
Ano mang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sa 'yo (ako'y sa 'yo)
Ika'y iingatan ko
Paninindigan kita, ah-ah-ah-ah
Paninindigan kita
Paninindigan kita
Ika'y iingatan ko (paninindigan kita)
At aalagaan ko (paninindigan kita)
Kung nandito na rin tayo (paninindigan kita)
Panindigan na natin 'to

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists