Naglalaro na naman sa ilalim ng ulan Tagu-taguan sa kabilugan ng buwan Tawanan at kwentuhan Walang katapusan ♪ At pagkagising sa umaga Tinatawag ka na ng barkada Kay tamis ng nakaraan Oh, kabataan ko nga naman Papasok na naman ako sa eskuwelahan Tanong ni Nanay at ni Tatay "Mayroon ka bang natututunan? O baka si crush, maghapon mo lang tinititigan?" ♪ At pagkagising sa umaga Handa na ang almusal ni Mama Kay sarap ng nakaraan O kabataan ko nga naman Pagala-gala sa kalsada Si haring araw ay kasama At ang hanging mahiwaga Kapatirang puno ng halaga Oras na ng mirienda Tinatawag ka na ni Lola Kakain na Ta-tara na Kakain na Ta- ♪ At pagkagising sa umaga Naalala ang dekada nobenta Kay sarap namang balikan Oh, kabataan ko nga naman Bigla ko nalang nakita Ang litrato ng buong pamilya Isang tirahan, sama-sama Ang bawat isa'y mahalaga Oras na ng hapunan Wala na namang kasama